Tag Archives: grandmom

3rd day of mourning…

Tuesday

july 4, 2012

3:30 am

Nandito ako nagbabantay parin sa lamay ng paborito kong lola. actually pang 10pm- 3am ako. pero nakatulog ako kanina at nagising ng 12:30 kaya gising pa ko hanggang ngayon at umiinom ng gatas. Nagising ako kanina dahil si tatay tumaas ang BP nya, kaya natakot kmi ni mama dahil baka maulit ang nangyari kay ateng na mejo napabayaan nmin (sorry ateng sorry sorry tlga patawarin mo ako). dala siguro ng stress at walang tulugan na ginawa ni tatay para sa asawa nyang si ateng at nakarinig pa ng di magandang salita sa pangalawang anak nya kaya tumaas ang BP nya. nakakatakot dahil ayaw nmin sumunod sya kay ateng. Lord tulungan nyo kami sa lahat ng pagsubok sa amin, nananalig po kmi. buti nalang bumuti na pakiramdam ni tatay.. si ateng namimiss ko tlga. lagi ko naalala ung experience bago xa mamatay. sana nalapitan ko pa xa. sana ibalik ni Lord ung oras na un 10:30 am para binantayan ko nlng xa. naiiyak tlga ako lagi. bakit ko inuna ang ibang bagay kaysa kay ateng.. sana ok na si ateng sana di xa galit samin at wala xang kasama nung namatay xa. pagod na pagod na siguro ang lola ko kaya hindi nrin nya nakayanan. Lord kayo na po bahala sa kanya, alam ko magiging masaya sya jan sa inyo. mabait ang lola ko papasukin nyo po xa sa kaharian nyo. alagaan nyo po xa jan. Ateng kung naririnig mo ako gusto kong sabihin sayo mahal na mahal na mahal na mahal kita. walang sawang pagmamahal ang ibibigay ko sayo, paglaki ng mga anak ko ikukwento kita sa kanila lalo na kay rhine na mahal na mahal mo. alam ko alam mo na mahal ka rin nya. mejo bata pa nga lang xa pero ikaw ang mama nya. magiingat ka ateng sa pupuntahan mo. lagi kang magpray.. goodnight ateng.

I LOVE YOU SO MUCH!

*puntahan mo ako sa panaginip ha. magusap tyo palagi.

* salamat sa lahat ng ginawa mo sakin. salamt salamat po ateng

Advertisements

Leave a comment

Filed under iloveu ATENG

MY EVER DEAREST GRAND MA ATENG

 

She’s the one who taught me how to speak “mama”, she’s the one who taught me how to write “i love you”.

Mama Ateng I Love You So Much!

Lagi kong naaalala ang smile mo… ang shane na tawag mo sa akin, ang pag aalaga mo sa mga anak ko.. yung kahit piso naibibigay mo sakin. yung payo mo na wag kami magaaway ni reggie.. yung pagpunta mo sa bahay nmin at may dala kang bigas at ulam dahil alam mong wala kami minsan makain. ung kahit huling pera mo nlng binibigay mo sakin.. ung kahit naiinis ako sayo hindi ka nagagalit sakin.. madami akong namimiss sayo ateng..

mahal na mahal kita ateng.
mamimiss ko ung pagpunta ko sa kwarto mo sa madaling araw at pagkukumot ko sayo. kahit na nagaway tyo nung friday.mahal prin kita concern lng ako nun wag kang magagalit ha.

salamat sa lahat sa buong buhay ko na ikaw ang nagalaga at pati mga anak ko inalagaan mo at naging mabait ka sa asawa ko .. salamat sa mga time na un sa mga masasayang araw natin.

wag mo akong kalilimutan ako ang paborito mong apo dba at ako ang panganay,

ikaw ang unang nanay ko..

magpahinga ka na.. magiging masaya ka sa piling ni Jesus..
makakatulog ka ng mahimbing..

papayagan na kitang umalis at pumuntang heaven pero hinding hindi kita makakalimutan hanggang mamatay ako..

hintayin mo ako jan sa heaven magpapakabait ako para makita kita. ikaw ang sundo ko ha..

hanggang sa huli ateng..

mahal na mahal na mahal kita.

mwah hugz!

wag mo ako kakalimutan ha..

-shane

*april 24,1938-born
*july 01,2012-died

Leave a comment

Filed under my thoughts